‘Huwag ipagwalang-bahala ang benepisyo ng SSS at Pag-ibig’
Photo Courtesy:
Repetek News
Ni Albert Villamor Jr.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag ipagsawalang-bahala ang benepisyo na makukuha sa Social Security System (SSS) at PAG-IBIG.
Nais niya na dapat ay aktibong naghuhulog ang mga miyembro ng SSS at PAG-IBIG para sa benipisyong handog ng mga ito.
“Kaya, nananawagan ako sa buong sambayanan, huwag nating ipagwalang-bahala ang seguridad na handog ng SSS, pati na ng Pag-IBIG Fund. Tiyakin po natin ang wasto at buwanang paghulog para sa mas ikakabuti ng ating kinabukasan,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang ika-6 na State of the Nation Address (SONA), Hulyo 27.
May mga tulong na ang gobyerno sa mga pensioner ng SSS.
“Bilang dagdag-tulong naman sa mga pensyonado ng SSS, pinaaga natin ang sampung porsyentong pagtaas ng kanilang pensyon simula Hunyo, na dapat sana ay nakatakda pa sa Setyembre,” ayon kay Pangulong Marcos.
Mula raw noong nag-umpisa ang administrasyong Marcos noong 2022, humigit kumulang apatnapu’t apat na milyong Pilipino na ang protektado ng SSS. Mahigit walumpung libo sa kanila ay mga tsuper, mga tindero’t tindera, gig workers, mga job order at contract of service, at iba pang mga nasa impormal na sektor.
Ayon pa kay Pangulong Marcos: Ang mga Contract of Service at Job Order ng pamahalaan, ipinagpatuloy natin ang kanilang mga serbisyo. Naglaan pa tayo ng karagdagang sahod para sa kanilang panghulog sa SSS, Pag-IBIG, at PhilHealth, bukod sa iba pang mga benepisyo.
Misyon natin na mas marami pang Pilipino ang makakasapi sa SSS, lalo na ang impormal na sektor at mga self-employed na tulad nila, dagdag pa niya.