August 1, 2026
758964245_1372723741709696_391314178586676855_n

Pag-aaring larawan: PIO Palawan

Noong Huwebes, Hulyo 27, idinaos sa kauna-unahang pagkakataon ang Rescue M.A.R.C.H., o Mass Assembly for Rescue and Care for Humanity, Palawan Challenge 2026 bilang bahagi ng National Disaster Resilience Month, na ginanap mula Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Headquarters sa Barangay Irawan, Puerto Princesa City, na nagtapos sa Provincial Government of Palawan (PGP) Convention Center sa Capitol Compound.

Pinangasiwaan ng PDRRMO ang kaganapan, na may temang “Ready When the World Breaks”. Dinaluhan ito ng mahigit sa 200 na mga rescue responder mula sa dalawampu’t walong (28) rescue teams.

Ayon kay PDRRM Officer Jeremias Y. Alili, nais nilang gawing taunang gawin ang Rescue M.A.R.C.H. kung saan magtitipon-tipon ang mga rescue responders sa Palawan para mapatibay ang kanilang tibay, koordinasyon, at kahandaan.

Ayon din kay Alili, mahalaga ang patuloy na pagpapaigting ng kakayahan at pagtutulungan ng mga responder at volunteer groups bilang suporta sa hangarin ni Gov. Amy Roa Alvarez na isulong ang kultura ng kahandaan ng bawat komunidad tungo sa isang listo, matatag, at panatag na Palawan.

Bilang bahagi ng aktibidad, nagsagawa ng compression stop sa Wilcon Depot sa Sicsican Highway, water refill sa Junction 3, at patient carry simulation mula sa mounting area sa Junction 2 hanggang sa finish line sa kapitolyo.

Nasa aktibidad din si Mr. Martin T. Aguda Jr., Founder at Lead Convenor ng Rescue M.A.R.C.H., at si Civil Defense Service Director Eugenio A. Gepte Jr., kasama ang iba pang kasapi ng Rescue M.A.R.C.H at Office of Civil Defense (OCD) Palawan Field Office.

via Albert Villamor Jr.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *