August 4, 2026
FB_IMG_1785708553852

Repetek News

Unti-unting naibalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng total blackout sa Palawan, ayon sa pinakahuling update ng PALECO mula sa impormasyon ng TransCo, nitong 5:45 ng hapon, araw ng Linggo, Agosto 2.

Naganap ang pagkawala ng kuryente dakong 10:16 ng umaga. Naapektuhan ng blackout ang mga lugar mula Bataraza hanggang Taytay, Palawan.

Ayon sa PALECO, unti-unting naibalik ang suplay ng kuryente sa iba’t ibang lugar sa mga sumusunod na oras:

11:37 AM – Southern Palawan
3:06 PM – Resuma Recloser
3:14 PM – Macasaet Recloser
4:01 PM – R10 (Roxas, Palawan)
4:03 PM – R11 (Roxas, Palawan)
4:22 PM – Taytay Poblacion Recloser
5:31 PM – Iwahig Initial
5:32 PM – GMA Initial
5:34 PM – Lucbuan Feeder 2
5:35 PM – Poblacion Initial
5:36 PM – Lucbuan Feeder 1

Samantala, naibalik naman ang suplay ng kuryente sa mga natitirang lugar sa Lungsod ng Puerto Princesa pagsapit ng gabi.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *