Parangal kaugnay ng disaster-resilience
Photo Courtesy: PIO Palawan
Ni Albert Villamor Jr.
Noong Hulyo 28, 2026, sa Costa Palawan Resort, Puerto Princesa City, pinarangalan ng Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC sa pagsasagawa ng Stakeholders’ Night ang mga katuwang nito sa pagkamit ng disaster resilience sa Palawan.
Sa mensahe ni Gov. Amy Alvarez na ipinagbigay-alam ni Atty. Jefrie Sahagun, sinabi niyang mahalaga ang pagtutulungan ng mga ahensiya at iba’t ibang sektor ng lipunan sa pagpapalakas ng kahandaan ng Palawan sa mga sakuna.
Kabilang sa mga ginawaran ng pagkilala ang mga ahensya ng pamahalaan, uniformed services, mga ospital, lokal na DRRM offices, civic at volunteer organizations, pribadong kumpanya, mga miyembro ng PDRRMC, mga nagwagi sa Rescue Olympics, Top 10 Active Volunteer Chapters, Heroic Act Awardees, at mga barangay na tumanggap ng Listong Barangay Seal of Excellence.
Ang Stakeholders’ Night ay isang aktibidad sa pagtatapos ng National Disaster Resilience Month 2026 sa Palawan.