August 4, 2026
FB_IMG_1785811518492

Photo Courtesy:

Repetek News

Ni Clea Faye G. Cahayag

Unti-unti nang niyayakap ng mga Local Government Unit (LGU) sa buong rehiyon ng MIMAROPA ang Electronic Local Government Unit o eLGU System.

Ayon kay Regional Director Emmy Lou V. Delfin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Mimaropa, 16 sa 24 LGUs sa lalawigan ng Palawan ang gumagamit na ng eLGU.

Ang eLGU ay isang digital na sistema na gumagamit ng teknohiya upang mapabilis ang paghahatid ng mga frontline services ng mga lokal na pamahalaan.

Aniya, target ng ahensiya na maging 100 porsiyentong gumagamit ng eLGU sa Palawan bago matapos ang taon.

“We hope that for Palawan, sabi ko sa team ko sana maging 100 percent before the end of the year,” ani Delfin.

Matatandaang ang bayan ng Linapacan ang kauna-unahang LGU sa probinsya na ganap na nagpatupad ng eLGU System.

Ang sistemang ito ay opisyal na ginamit ng lokal na pamahalaan sa Business Permit Renewal ngayong 2026 sa pamamagitan ng Electronic Business One-Stop Shop (eBOSS).

Base pa rin sa ulat ng direktor, lahat ng 11 LGUs sa Occidental Mindoro at 15 LGUs sa Oriental Mindoro ay gumagamit na rin ng eLGU.

Samantala, 13 LGUs sa Romblon at apat na LGUs sa Marinduque ang nagpapatupad na rin ng naturang sistema.

Pahayag pa ni Delfin, layunin ng DICT na bago magtapos ang 2026 ay lahat ng lokal na pamahalaan sa buong rehiyon ng Mimaropa ay ganap nang gumagamit ng eLGU System.

“So [kaunti] na lang. Hoping that by the end of the year, 100 percent na ang buong Mimaropa municipalities,” dagdag pa ni Delfin.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *