August 4, 2026
FB_IMG_1785809182258

Photo Courtesy: PIO Palawan

Ni Albert Villamor Jr.

Lumagda sa scholarship agreement ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang mga bagong medical scholars sa VJR Hall, Kapitolyo, noong Agosto 3.

Nilalayon ng contract signing na ipaalam sa mga medical scholar ang mga responsibilidad at benepisyo ng scholarship, sa ilalim ng YAKAP sa Edukasyon Scholarship Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.

Hinihikayat ni Gobernadora Amy R. Alvarez ang mga bagong medical scholar na pagbutihin ang kanilang pag-aaral at maging katuwang sa pag-unlad ng Palawan.

Kasabay ng contract signing ay ang isang oryentasyon sa mga bagong medical scholar, na pinangasiwaan ng YAKAP sa Edukasyon Scholarship Program sa pangunguna ni Nur-Aina S. Ibrahim, Program Manager.

Nagkaroon din ng open forum sa aktibidad para linawin ang mga katanungan ng mga iskolars at ang kanilang mga guardian o magulang.

Patuloy na pinalalawak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang YAKAP sa Edukasyon Scholarship Program, para magkaroon ng pagkakataon ang mga Palaweno sa libre at dekalidad na edukasyon at magkaroon ng karagdagang mga medical professionals tungo sa pag-unlad ng Palawan.

Nagpaabot din ng suporta sina Board Member Juan Antonio Alvarez at Board Member Rafael Ortega Jr. sa naturang aktibidad.


Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *