August 5, 2026
FB_IMG_1785897934264

Photo Courtesy: PIO Palawan

Ni Albert Villamor Jr.

Kabuuang188 na mga nag-aalaga ng hayop ang nabigyan ng libreng serbisyo ng Provincial Veterinary Office (PROVET) sa nabanggit na bayan noong Hulyo 20 hanggang ika-23 ng nabanggit na buwan.

Ang mga naturang libreng serbisyo ay sa ilalim ng Herd Health Genetics Improvement Program: bitamina, deworming, pregnancy diagnosis, Estrus Synchronization, artificial insemination.

Umabot naman sa 56 na hayop ang dumaan sa artificial insemination habang 182 naman na mga baka at kalabaw ang sumailalim sa deworming at nahandugan ng bitamina.

Ayon sa PROVET, mayroon ng 17 na mga anak ang mga dating ng sumailalim sa artificial insemination mula sa 2025-2026. Ito ay siyam (9) na kalabaw at walong (8) baka. Layunin ng artificial insemination na mapataas ang kalidad ng lahi ng mga hayop, at mapataas ang produksyon ng mga ito.

Sumasalamin ang programa sa PALAWAN + PLUS Development Agenda ni Gov. Amy Roa Alvarez na magpapalakas sa paghahayop at kabuhayan ng mga Palawenong nasa industriya ng livestock.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *