August 5, 2026
IMG_20260805_110231

Photo Courtesy:

Repetek News

Ni Rodolfo Idusora

Sugatan ang isang tricycle driver nang magbanggaan ang tricycle at Toyota Wigo sa national highway sa Barangay Sta. Monica, Lungsod ng Puerto Princesa, na kung saan eksklusibong nasaksihan ng

Repetek News

Team ang insidente.

Batay sa impormasyong nakalap ng

Repetek News

mula sa mga bystander sa lugar, paliko na umano sa kanto ang tricycle nang mabangga ito ng Toyota Wigo na sinasabing mabilis ang takbo.
Dahil sa lakas ng banggaan, nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang driver ng tricycle. Ayon sa mga nakasaksi, natanggal din ang kanyang kanang tenga dahil sa pinsala.

Agad na rumesponde ang mga barangay tanod ng Barangay Sta. Monica upang tumulong sa biktima at kontrolin ang daloy ng trapiko.

Sumunod ding dumating ang mga pulis mula sa Police Station 2 upang magsagawa ng imbestigasyon at alamin ang sanhi ng aksidente.

Rumesponde rin ang mga tauhan ng Health Emergency Response Operation (HERO) na agad nagbigay ng paunang lunas sa sugatang tricycle driver bago ito isinugod sa pinakamalapit na pagamutan para sa karagdagang paggamot.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang mga awtoridad tungkol sa kondisyon ng biktima at kung sino ang maaaring managot sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang buong pangyayari at ang posibleng pananagutan ng mga sangkot.

Paalala ng mga awtoridad sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho, sumunod sa itinakdang speed limit, at maging maingat lalo na sa mga interseksyon upang maiwasan ang kaparehong aksidente.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *