August 5, 2026

LIGTAS TIGDAS: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity

0
FB_IMG_1785937810637

Photo Courtesy: DOH MIMAROPA

Ni Clea Faye G. Cahayag

Ngayong buwan ng Agosto magsasagawa ang Department of Health (DOH) Mimaropa ng malawakang pagbabakuna kontra tigdas at rubella.

Inaanyayahan ni DOH Regional Director Dr. Rodolfo Antonio M. Albornoz ang buong komunidad sa rehiyon na makiisa sa LIGTAS TIGDAS: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) na isasagawa mula Agosto 10 hanggang 28.

Ayon kay Alboroz, layunin ng kampanyang ito na mabigyan ng karagdagang proteksyon laban sa tigas at rubella ang mga batang may edad anim (6) hanggang 59 buwan.

Kaugnay nito, hinihikaya’t ang lahat ng magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na health center o pinakamalapit na vaccination site sa kanilang lugar.

“Ngayong buwan ng Agosto, sama-sama nating ipakita ang ating pagtugon sa kalusugan ng bawat batang Mimaropan. Bawat bata ay may karapatang lumaki nang malusog, ligtas at may pagkakataong maabot ang kanilang mga pangarap kaya naman inaanyayahan ng DOH MIMAROPA CHD ang lahat ng mga magulang, tagpag-alaga at buong komunidad na suportahan ang LIGTAS TIGDAS: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA) ng Department of Health (DOH).

Sama-sama nating tiyakin na walang batang Mimaropan na maiiwan pagdating sa proteksyon laban sa Tigdas at Rubella,” pahayag ng direktor.

Binigyang-diin din niya ang bakuna ay ligtas,
dekalidad, mabisa at libreng ibinibigay ng pamahalaan.

Ani Alboroz, napakahalaga ng pakikiisa ng komunidad upang mapanatiling malusog ang ating mga anak at maprotektahan ang bawat pamilya.

Nagpaabot naman ng suporta ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa nalalapit na MRSIA.

Aminado si Governor Amy Alvarez na hindi magiging madali ang pagsasagawa ng kampanya sa lalawigan lalo na’t
marami sa mga barangay ay matatagpuan sa malalayong isla at kabundukan.

Sa kabila nito, nanawagan ng pagkakaisa at pagtutulungan ang Gobernadora sa lahat ng
municipal governments, barangay officials at mga barangay health workers.

Aniya, kinikilala ng provincial government ang pagsisikap at dedikasyon ng mga lokal na opisyal sa pagtiyak na mabibigyan ng sapat na proteksyon laban sa iba’t ibang sakit ang kanilang mga nasasakupan.

“Together, let us support the Ligtas Tigdas Campaign and continue working together to protect the health of every Palaweño child,” ani Alvarez.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *