Protekyon sa mga kababaihan at kabataan, pinaiigting
Photo Courtesy: FB/Lucilo R. Bayron
Sa loob ng isang linggo, nakapagtala ang Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Palawan Provincial Police Office (PalPPO) ng pitong (7) kaso at dalawang suspek na naaresto kaugnay sa karahasan at pang-aabuso laban sa kababaihan at kabataan.
Sa patuloy na pinalalakas na kampanya para sa kaligtasan ng kababaihan at kabataan, nakapagsagawa ang WCPD ng ng tatlong operasyon na nagresulta sa pag-file ng pitong (7) kaso at pagkakaaresto ng dalawang suspek mula Hulyo 27 hanggang Agosto 2.
Ayon kay PCOL Joel D. Casupanan, Provincial Director, pangunahing prayoridad ng PalPPO ang pagbibigay ng proteksyon sa mga kababaihan at kabataan laban sa pang-aabuso, karahasan, at pagsasamantala.
Binigyang-diin ni Casupanan na bawat operasyon at kasong naisampa ay patunay ng kanilang dedikasyon na panagutin ang mga lumalabag sa batas at siguruhing makatatanggap ng agarang tulong ang mga biktima.
Hinihikayat naman ang publiko na agad iulat ang anumang insidente ng violence against women and children (VAWC). Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng Philippine National Police (PNP).
via Samuel Macmac