August 11, 2026

Coast Guard District Palawan, mas pinalakas ang ugnayan sa media

0
FB_IMG_1786371081341

Ni Rodolfo Idusora

Mas pinatatatag ng Coast Guard District Palawan ang ugnayan nito sa mga mamamahayag sa lalawigan sa pamamagitan ng press conference, meet and greet, at ship tour sakay ng BRP Malapascua.

Pinangunahan ni Acting Commander Commodore Jane J. Gesulgon ang pagtitipon na dinaluhan ng mga media practitioners mula sa radio, television, print, at online media sa Puerto Princesa City at iba pang bahagi ng Palawan.

Sa press conference, tinalakay ang mga pangunahing operasyon at programa ng Coast Guard, kabilang ang maritime safety, search and rescue, maritime law enforcement, at pangangalaga sa karagatan.

Matapos ang talakayan, isinagawa ang ship tour sa BRP Malapascua na nakadaong sa Cruise Ship Port sa Puerto Princesa.

Ipinakita sa mga mamamahayag ang iba’t ibang bahagi ng barko, kabilang ang bridge, command center, medical facilities, accommodation area, at mga kagamitang ginagamit sa rescue, maritime patrol, at disaster response.

Ayon sa Coast Guard, mahalaga ang magandang koordinasyon sa media upang mabilis na maipaalam sa publiko ang tama at napapanahong impormasyon, lalo na sa panahon ng maritime emergencies at sakuna.

Nagtapos ang aktibidad sa fellowship dinner na ginanap sa loob ng BRP Malapascua.

Layunin ng pagtitipon na mapalakas ang koordinasyon ng Coast Guard at media upang mas mabilis na maihatid sa publiko ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kaligtasan at seguridad sa karagatan.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *