Sinagip nang ma-stranded sa Lipa
Photo Courtesy: Philippine Coast Guard
Repetek News
Siyamnapu’t limang (95) indibidwal ang sinagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) stations sa Batangas nang mai-stranded dahil sa matinding pagbaha dulot ng Habagat sa ilang barangay sa Lipa City, nabanggit na lalawigan noong Agosto 8 hanggang ika-9 ng kaparehong buwan.
Nagsagawa ng rescue operations ang tatlong Disaster Response Group (DRG) ng CGDSTL kasama ang mga tauhan ng CGS Batangas sa mga Barangay Plaridel, San Lucas, Banay Banay, Balintawak, Marawoy, at Tambo, partikular sa mga lugar na matinding naapektuhan ng pagbaha.
Patuloy namang nakatuon ang PCG sa pagliligtas ng buhay at pagtulong sa mga komunidad na apektado ng kalamidad sa ilalim ng Intensified Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement (iCARE) Program nito.