August 11, 2026

Ligtas si Mang Romeo mula sa pagtaob ng kaniyang bangka

0
760941490_2223145075209048_3678934610534620009_n

Tumaob ang bangka ng 58-anyos na mangingisdang si Mang Romeo Malaguit sa katubigang bahagi ng Barangay Pag-asa sa bayan ng Kalayaan, Palawan, noong nakalipas na Lunes, Hulyo 27.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), bandang 8:40 ng umaga nang mapansin ng mga tauhan ng Maritime Security Response Unit–Kalayaan Island Group (MSRU-KIG) ang tumaob na bangka na nasa humigit-kumulang 500 metro mula sa hilagang-kanlurang bahagi ng nabanggit na barangay. Mabilis na nagpadala ng rescue team ang ahensiya para iligtas ang mangingisda.

Naabutang nakasakay sa tumaob na bangka si Mang Romeo nang una’y tumangging iwan ang kanyang motorized banca. Ngunit, kalaunan ay matagumpay siyang nailigtas sa kabila ng malakas na hangin at malalaking alon.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *