August 11, 2026

Pag-aangkat ng hayop mula sa pitong bansa, kinansela

0
Tagalog Lang

Pag-aaring larawan: Website/Tagalog Lang

Pansamantalang ipinagbabawal ng Kagawaran ng Agrikutura o Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng mga buhay na hayop at piling produktong hayop mula sa pitong bansa sa Gitnang Silangan (Middle East) at Europa (Europe) dahil sa mga kaso ng foot-and-mouth disease (FMD).

Ayon sa ulat, saklaw ng ‘import suspension’ ang mga bansa ng Azerbaijan, Bahrain, Cyprus, Iraq, Israel, Kuwait, at Palestine.

Pirmado ni Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. ang Department Circular No. 39 na nagbabawal ng pagpasok ng mga buhay na baboy, baka, kalabaw at iba pang hayop na madaling kapitan ng foot-and-mouth disease.

Liban sa sa mga buhay na hayop, saklaw rin ng kautusan ang gayundin ng sariwang karne (skeletal muscle meat), casings, tallow, hooves, sungay at semilya ng hayop na nagmumula sa mga apektadong lugar.

Layunin ng kautusan na maprotektahan ang industriya ng paghahayupan sa Pilipinas laban sa isa sa mga nakakahawang sakit ng mga hayop sa mundo, habang pinangangalagaan ang seguridad sa pagkain at kabuhayan ng mga Pilipino. | Source: DA

Pag-aaring larawan: Website/Tagalog Lang

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *