August 12, 2026
FB_IMG_1786516832535

Photo Courtesy: PIO Palawan

Ni Albert Villamor Jr.

Upang madagdagan ang kaalaman ng mga Child Development Workers (CDWs) sa kahalagahan ng mga ina sa lipunan, nagsagawa ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Narra Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng ‘Training on Parent Effectiveness Service (PES)’ sa Narra, Palawan, Hulyo 22-24.

Kabuuang 75 CDWs ang dumalo roon.

Tinalakay sa naturang pagsasanay ang mga prinsipyo ng positive parenting, epektibong komunikasyon sa pamilya, at responsableng pagpapalaki sa mga anak. Tinalakay din ang mga maaring gawin ng magulang para maibigay ang pangangailangan ng kanilang mga anak.

Nagpahayag din ng suporta si Narra Mayor Gerandy B. Danao. Pinayuhan niya rin ang mga kalahok na isabuhay ang kanilang mga natutunan at ibahagi rin ito sa komunidad.

Bahagi ang training ng mga programa ni Gov. Amy Roa Alvarez sa ilalim ng PALAWAN + PLUS Development Agenda para sa pagtaaas ng kaalaman ng mga Child Development Workers para sa tamang pagpapalaki ng mga bata at pamilya. Ayon ito sa PSWDO.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *