August 12, 2026
FB_IMG_1786520497720

Photo Courtesy:

Repetek News

Ni Ferds Cuario

‎Ipinababatid ng City Treasurer’s Office sa mga tindahan at negosyante sa Lungsod ng Puerto Princesa na sa darating na Agosto 20, taong kasalukuyan, ang huling araw ng pagbabayad ng kaukulang business tax para sa ikatlong hulog.

‎Ang deadline ay alinsunod sa Ordinansa Blg. 1316 ng Pamahalaang Panlungsod.

‎Hinikayat ng City Treasurer’s Office ang lahat ng apektadong negosyante na makapagbayad bago o sa itinakdang deadline upang maiwasan ang karagdagang multa at iba pang kaukulang bayarin.

‎Para sa mas mabilis at maginhawang transaksiyon, maaari ring magbayad online ang mga negosyante sa pamamagitan ng opisyal na website ng Pamahalaang Lungsod.

‎Maaaring bisitahin ang puertoprincesa.ph, piliin ang E-Payment Services, at pagkatapos ay ang Online Billing and Payment.

‎Samantala, nanawagan din ang tanggapan sa mga Punong Barangay ng lungsod na ipaalam sa kanilang mga nasasakupan ang tungkol sa deadline at mga kaukulang hakbang sa pagbabayad.

‎Pinapayuhan ang mga negosyante na huwag nang hintayin ang huling araw upang maiwasan ang abala at posibleng karagdagang gastos sa kanilang negosyo.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *