Anti-Rabies vaccine sa mga aso’t pusa, available na sa City Vet
Photo Courtesy: City Vet
Ni Clea Faye G. Cahayag
Ipinababatid sa mga Fur parent na available na ang Anti-Rabies Vaccine para sa kanilang mga alagang aso’t pusa sa City Veterinary Office.
Bukas ang City Vet mula alas siyete ng umaga hanggang alas sais ng hapon (7:00 AM-6:00 PM) mula Lunes hanggang araw ng Huwebes.
Paalala sa mga Fur parent tiyaking ang kanilang alagang aso’t pusa ay walang sakit, hindi nakakagat at may edad tatlong (3) buwan pataas bago ito pabakunahan.
Samantala, magsasagawa ng dalawang (2) araw na Anti-Rabies Mass Vaccination sa Barangay Tiniguiban, Lungsod ng Puerto Princesa, simula Agosto 13 hanggang Agosto 14.
Ipinababatid din sa publiko, ang regular na iskedyul ng kapon ay tuwing huling Huwebes ng buwan na magsisimula sa Setyembre 24,2026.
Ang City Veterinary Office ay matatagpuan sa Barangay Sta. Monica, OISCA Road.