Balintong, nakita sa sementeryo, ligtas naibalik sa kagubatan
Photo Courtesy: MENRO Roxas
Ni Samuel Macmac
Ligtas na naibalik ang isang juvenile Palawan Pangolin na tinatawag na “Balintong” sa natural nitong tirahan sa bayan ng Roxas, Palawan, matapos i-turn over ng isang residente sa mga awtoridad.
Ayon sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Roxas, isang juveline Palawan Pangoin (Manis culionensis) na may habang 71 sentimentro at bigat na 1.25 kilo.
Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng LGU-Roxas sa pamumuno ni Mayor Pedy B. Sabando, katuwang ang Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), at DENR-CENRO.
Ayon kay Isarel Nangit, residente ng San Nicolas, naKita niya ang pangolin sa Public Sementeryo at agad itong itinurn-over sa Roxas Municipal Police Station (MPS). Mabilis na kumilos ang mga awtoridad upang masuri kondisyon ng naturang hayop.
Sa isinagawang pagsusuri ng mga Wildlife Extension Office, napag-alaman na nasa maayos na kalagayan ang Balintong kaya agad itong ibinalik sa gubat.
Kabilang ang Palawan Pangolin sa Critically Endangered Species ayon sa International Union for Conservation of Nature (IUCN). Bukod dito, kinikilala rin itong flagship species ng bayan ng Roxas sa bisa ng Municipal Ordinance No. 780, s-2020.