‘Kapayapaan at kaalaman tungkol sa West Philippine Sea’
Photo: PPR-PSC
Ni Albert Villamor Jr.
Para sa mga hakbang sa pangkapayapaan at ikabubuti ng komunidad, nagkaroon ng pag-uusap ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan at 6th Civil Relations Group (6th CRG) nitong nakalipas na Huwebes, Agosto 13.
Sa isang courtesy meeting, pinag-usapan ang mga plano para sa seguridad ng Palawan.
Dinaluhan ang pagpupulong nina Board Member Juan Antonio Alvarez at Board Member Roseller “Toto” Pineda, kasama si Roque S. Dela Peña, Deputy for Community & Reintegration ng Peace and Security Cluster.
Sa pagpupulong, nagpalitan ng mga kaalaman at saloobin ang mga dumalo kung paano masisigurado ang seguridad sa Palawan sa pamamagitan ng pagtutulungan, lalo na sa West Philippines Sea (WPS). Para mapalawak ang kaalaman ng mga Palaweño sa importansiya ng WPS, napag-usapan ang pagsasagawa ng ilan sa mga hakbang na may kinalaman sa WPS katulad ng Information, Education, and Awareness Activities, at Community Engagements.
Sa pamamagitan ng pag-uusap at pagtutulungan ng gobyerno at katulong na ahensiya, pinalalakas nito ang mga hakbang sa seguridad at kaalaman sa WPS.