Human Rights Action Center sa Puerto Princesa
Photo Courtesy: Mayor Lucilo Bayron
Ni Clea G. Cahayag
Bumisita kamakailan sa tanggapan ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron ang mga kinatawan ng Policy Linkages Office at Campaign and Advocacy Division mula sa Commission on Human Rights (CHR) Central Office.
Sa naging pagpupulong, pangunahing paksa ang
panukalang pagtatatag ng Human Rights Action Center sa Puerto Princesa City.
Ayon sa CHR, layunin ng naturang center na ilapit sa mga mamamayan ang tulong may kinalaman sa human rights at higit pang palakasin ang pagsusulong sa karapatang pantao.
Positibo naman ang naging tugon ng Alkalde at nagpahayag ng pagiging bukas ng lokal na pamahalaan sa pagtatatag ng Human Rights Action Center sa lungsod.
Binigyang-diin ni Bayron, makakatulong ito sa patuloy na pagsisikap ng city government na maisulong ang “responsive governance” at mapangalagaan ang kapakanan ng mga residente.