‘Paalam, Payging Magbanua
Photo Courtesy:
Repetek News
Ni Clea G. Cahayag
Bumuhos ang pakikiramay para sa naulilang pamilya ni Ginoong Richristopher C. Magbanua o mas kilala sa tawag na “Payging”.
Pumanaw siya noong Agosto 9 sa edad na 50.
Bago ihatid sa kanyang huling hantungan ay nagkaroon muna ng misa sa St. Therese of the Child Jesus Parish, Poblacion, Aborlan, Palawan,kung saan sama-samang nag-alay ng dasal ang kanyang mga mahal sa buhay bago siya ihatid sa Public Cemetery, Mabini, Aborlan ngayong araw ng Martes, Agosto 18.
Hindi lamang mga kaanak, kaibigan at kakilala ni Payging ang dumalo sa libing, nakiramay rin sina Cong. Jose Alvarez, Cong. Gil Acosta Jr., at Cong. Karl Legazpi ng Pinoy Workers Partylist, Gov.Amy Alvarez, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga kawani ng lokal na pamahalaan at iba pang opisyal.
Suot ng mga naulilang mahal sa buhay ni Payging ang puting damit na may nakasulat na mensaheng “ang pagpapatawad ang pinakamataas na antas ng pagmamahal”.
Si Payging ay nagsilbing District Action Officer ni Cong. Alvarez at naging board member din ng Palawan.