10 kilong bigas sa mga Coronian
Photo Courtesy: PIO Palawan
Ni Albert Villamor Jr.
Sa ilalim ng “Bawat Bayan Makikinabang” Rice Distribution Program ng nasyunal na gobyerno, nakatanggap na ng 10 kilong bigas bawat-isa ang 3,000 na mga benepisyaryo sa Coron, Palawan, noong Agosto 10-11.
Ayon sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ninanais ng pamahalaan na makapagbigay ng parehong serbisyo sa 3000,000 na mga pamilya sa mga maliliit na isla o island municipalities sa Palawan.
Ang programa sa Coron ay ginawang posible ng PSWDO at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Coron kasama ang iba pang opisina ng Pamahalaang Panlalawigan. Sila ay ang mga residente ng Barangay Bintuan at Guadalupe.
Nasa seremonya ng pagbibigay sina Gov. Amy R. Alvarez, kasama ang ilang board members ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan (SP-Palawan) sina Cherry Pie Acosta, Juan Antonio Alvarez, at Ferdinand Zaballa.
Ang programa ay ginawang posible ng Local Government Support Fund (LGSF), isang pondo na naglalayong tulungan ang mga mamamayan na sumasalamin sa layunin ng nasyunal na gobyerno.