August 20, 2026

Pinalawak ang kakayahan sa Disaster-Response sa Linapacan

0
1787233890538

Photo Courtesy: PSWDO

Ni Via Albert Villamor Jr.

Upang mapalalim ang kaalaman ng mga frontline responders sa pagtulong tuwing sakuna, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ng Camp Coordination and Camp Management (CCCM) at Internally Displaced Persons (IDP) Protection Training, Agosto 3–5, 2026, sa Municipal Livelihood and Training Center, Brgy. San Miguel, Linapacan.

Sa tatlong-araw na pagsasanay, pinaigting ang kaalaman ng 33 na mga frontline responders sa pamamahala ng evacuation centers, sa pangangalaga ng internally displaced persons, sa disaster assessment at reporting, at sa tamang koordinasyon sa panahon ng kalamidad.

Parte ang pagsasanay ng PALAWAN+PLUS Development Agenda ni Governor Amy Roa Alvarez sa epektibong disaster-response o pagresponde sa panahon ng kalamidad. Pinangunahan din ang naturang pagsasanay ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), katulong ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Ilan sa mga sumailalim sa pagsasanay ay ang Agriculture and Nutrition Scholars (BEANS), Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Environment, barangay officials, MDRRMO at MSWDO.

Ang nagturo sa 33 na frontliners ay sina Devie Mae T. Navarro, RSW, Social Welfare Officer II; Eugene S. Ombalino, Social Welfare Officer I, MSWDO-Linapacan; Gng. Maridel P. Gajardo, Special Operations Officer I; na nagsanay sa mga frontliners sa Internally Displaced Person (IDP) protection, CCCM implementation, disaster reporting protocols, at evacuation center management.

Nais ni Linapacan Mayor Emil T. Neri na gamitin ng mga dumalo ang kanilang bagong mga kaalaman sa disaster-response sa kanilang mga nasasakupang komunidad.

Dumalo rin si Vice Mayor Ricky C. Rodriguez na nagpasalamat sa pamahalaang panlalawigan ng Palawan sa nangyaring pagsasanay.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *