August 21, 2026
FB_IMG_1787283261011

Photo courtesy: IPPF

Ni Rodolfo Idusora

Isinagawa ang blessing at inauguration ceremony ng bagong Packing House sa Inagawan Sub-Colony (ISC) ng Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) noong Agosto 6, taong kasalukuyan.

Pinangunahan ng Work and Livelihood Section (WLS) ang aktibidad sa tulong ni CO3 Ernie Guanzon, ISC In-Charge, sa ilalim ng pamamahala ni C/INSP Joerafel C. Mate, ISC Supervisor.

Binasbasan ni CT/SINSP Jasper A. Tabangay ang bagong pasilidad na sinundan ng ribbon-cutting ceremony at photo opportunity kasama ang mga opisyal at inimbitahang panauhin.

Bahagi ang bagong Packing House ng programa ng IPPF para mapalakas ang kanilang agricultural at livelihood activities. Layunin nitong mapabuti ang paghawak at pag-iimbak ng mga produktong agrikultural matapos ang anihan.
Inaasahan din na makatutulong ang pasilidad sa pagpapaunlad ng sustainable agricultural production at pagbibigay ng dagdag na oportunidad sa kabuhayan para sa mga nasa loob ng institusyon.

Ang proyekto sa Inagawan Sub-Colony ay kasunod ng pormal na inauguration ng Packing House at Agro-Store-1 sa Central Sub-Colony (CSC) noong Hulyo 29, 2026.

Ipinapakita nito na patuloy na isinasagawa ng IPPF ang mga agricultural at livelihood projects sa iba’t ibang sub-colony upang mapalakas ang produksyon at paggamit ng mga pasilidad para sa mga gawaing pangkabuhayan.

Ayon sa IPPF, sinusuportahan ni BuCor Director General General Gregorio Pio P. Catapang Jr., AFP (Ret.), CESE, CCLH, ang pagpapatupad ng mga programang pang-agrikultura at pangkabuhayan.

Sa pamamagitan naman ni IPPF Superintendent C/SUPT Edgardo F. Mendoza Jr., patuloy na isinusulong ang mga programang naglalayong mapataas ang agricultural productivity at livelihood opportunities sa loob ng IPPF at sa mga komunidad na nakapaligid dito.

Ang pagtatayo ng bagong Packing House ay bahagi ng patuloy na programa ng IPPF na palawakin ang mga pasilidad na ginagamit sa produksyon, post-harvest handling at mga gawaing pangkabuhayan.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *