Sea Turtle Conservation Day sa Puerto Princesa
Photo Courtesy:
Repetek News
Ni Rodolfo Idusora
Ipinagdiriwang ng City Environment and Natural Resources Office, o City ENRO, ang Puerto Princesa City Sea Turtle Conservation Day 2026 noong Agosto 20 sa Simpocan National High School.
May temang “Protecting Ocean Giants for a Sustainable Future,” na kung saan tinalakay sa mga estudyante ang buhay ng mga pawikan, kanilang papel sa karagatan, at kahalagahan ng pangangalaga sa kanilang populasyon, lalo na sa mga nasasakupang karagatan at baybayin ng Lungsod ng Puerto Princesa.
Naging resource speaker sa aktibidad si Ms. Eunice Karla Suza ng Large Marine Vertebrates Research Institute Philippines (LAMAVE).
Nakibahagi rin sa programa ang mga kinatawan ng barangay mula sa mga komunidad sa west coast, kabilang ang mga opisyal ng Barangay Bacungan, Bagong-Bayan, Napsan at Simpocan.
Nagpasalamat ang City ENRO sa City Government of Puerto Princesa, mga Barangay Local Government Units, Simpocan National High School, LAMAVE at iba pang katuwang sa pagpapatupad ng Bantay Pawikan Project.
Layunin ng programa na mas maunawaan ng mga kabataan at lokal na komunidad ang kahalagahan ng pawikan at ang kanilang papel sa marine ecosystem.
Akda ni dating City Councilor Roy Gregorio G. Ventura ang Puerto Princesa City Ordinance No. 633 na naglalayong ipinagdiwang ang Sea Turtle Conservation tuwing Agosto 22, kada taon.
Patuloy na hinihikayat ng City ENRO ang mga residente, lalo na ang mga komunidad sa baybayin, na makiisa sa pangangalaga at proteksyon sa mga pawikan upang mapanatili ang kanilang populasyon sa karagatan ng Puerto Princesa.