Siklista, bumangga sa 4-wheels
Photo courtesy: Joy Arzaga
Ni Rodolfo Idusora
Nagtamo ng sugat sa mata at mga galos ang isang siklista nang umano’y bumangga sa isang four-wheeled vehicle na minamaneho ng isang foreigner.
Naganap ang insidente habang patungo sa direksyon ng Ace Medical Center ang sasakyan. Ayon sa drayber, pakanan na siya nang mangyari ang banggaan.
Sa lakas ng impact, nabasag ang windshield ng sasakyan at natanggal din ang side mirror nito. Samantala, nagtamo naman ng sugat sa bahagi ng mata at ilang galos ang siklista.
Ayon sa ulat, hindi pa malinaw kung sino ang itinuturing na responsable sa insidente dahil patuloy pang pinag-uusapan ng magkabilang panig ang mga pangyayari bago at habang naganap ang banggaan.
Pinag-usapan din ng siklista at four-wheeled vehicle driver ang pinsalang natamo ng sasakyan at ang iba pang naging epekto ng aksidente.
Hindi rin agad matukoy kung may iba pang sangkot o nakasaksi sa insidente. Inaalam din kung magkakaroon ng pormal na kasunduan ang magkabilang panig kaugnay sa pagpapagawa ng nasirang bahagi ng sasakyan.
Paalala naman sa mga motorista at siklista na maging maingat sa bawat pagliko, pagtawid at pagdaan sa mga pangunahing kalsada upang maiwasan ang ganitong uri ng aksidente.
Patuloy namang hinihintay ang karagdagang impormasyon kaugnay sa insidente at kung ano ang magiging resulta ng pag-uusap ng magkabilang panig.