September 11, 2026
FB_IMG_1789030951186

Grabphotos

Ni Rodolfo Idusora

BREAKING: Patuloy ang panawagan ng mga pamilya para sa impormasyon tungkol sa kani-kanilang mga kaanak na kabilang sa mga pasahero ng M/V June Aster na nasunog sa karagatan ng Coron, Palawan, nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 9.

Ipinaghahanap sina Cesar Belon, 54-anyos; Mary Chin Tan, 23; Zadd Darol, 23; Algied Gugma, 20; at Tony Barioga, 37.
Hinahanap din sina Marino Duran, 62-anyos, at Mark Joven Duran, 22-anyos. Ayon sa kanilang kaanak, si Marino ay senior citizen at may iniindang stroke.

Kabilang din sa iniulat na nawawala ang magkakapamilyang sina Mae Lorraine Navoa-Galera, 40-anyos; Elyzer Navoa, 39; at Hiraya Joy Navoa, 3-anyos.

Nawawala rin sina Josephine Gacayan, 63; Susan Gacayan, 64; at Rechelle Dutado, 31, na mga residente ng Mabini, El Nido, Palawan.

Kasama rin sa mga ipinaghahanap sina Daniel Gabinete, Edith Gabinete, at Reynaldo Capin, na ayon sa kanilang pamilya ay mga pasahero ng M/V June Aster.

Nanawagan din ang mga kaanak nina Jay Spencer Labian Martinito at Ruth Molijon, na ayon sa inilabas na panawagan ay pitong buwang buntis.

Hinahanap din sina Blenda Baquilar at Redgie Baquilar, gayundin si Regin Apgao Servanes, na hanggang ngayon ay hindi pa nakokontak ng kanyang pamilya.

Samantala, iniulat din na nawawala sina Nestor Gula, Ian Gula, at Jiken Orevuc.
Umaasa ang mga pamilya na ligtas ang kanilang mga kaanak at maaaring napadpad lamang sa ibang bahagi ng dalampasigan.

Sa sinumang may impormasyon tungkol sa mga nawawalang pasahero, hinihiling na agad makipag-ugnayan sa kanilang mga pamilya o sa kinauukulang awtoridad maging sa

Repetek News

upang makatulong sa patuloy na paghahanap.

Ang mga nabanggit na pangalan ay kabilang lamang sa 85 na pasahero na kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga rescuer.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *