PCG: 5 casualties mula barkong nasunog sa Coron
Photo Courtesy: PCG
Repetek News
BREAKING: Umakyat na sa lima ang naitatalang casualties nang lamunin ng apoy ang pampasaherong barko sa katubigang sakop ng Coron, Palawan, ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson, Commodore Noemie Cayabyab, as of 11:10 p.m.
Ayon pa sa opisyal, kabuuang 42 katao ang na-rescue mula sa 117 total passengers at 17 crew members, na dinala naman sa Barangay Turda Covered Court sa nasabing bayan.
Patuloy ang search and rescue (SAR) operations ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa nasunog na MV June Aster.
Developing stories.