September 14, 2026
FB_IMG_1789264513766

Photo Courtesy: PCG

Ni Rodolfo Idusora

Umabot sa tatlumpung bangkay ang inisyal na narekober ng mga awtoridad sa loob ng nasunog na MV June Aster sa karagatan ng Coron, Palawan, nitong Setyembre 11.

Nang ideklarang fire out noong Biyernes, ikinasa ng mga awtoridad ang retrieval operation. Nagkaroon muna ng safety assessment bago ang pagrekober sa mga bangkay ng pasahero ng barko.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, nagsimula ang retrieval at paglilipat ng mga labi bandang alas-5:16 ng hapon gamit ang BRP Cape EngaƱo (MRRV-4411).

Inihatid sa Port of Borac sa Coron, Palawan, nitong Sabado, Setyembre 12, ang mga bangkay.

Ayon sa PCG, narekober ang mga labi sa economy accommodation area ng barko. Under recovery operation at proseso ng pagkilala sa mga narekober na labi, ang mga rumespondeng awtoridad.

Photo Courtesy: PCG

Kasabay ng operasyon, naglatag din ang PCG ng oil spill booms sa paligid ng lugar bilang pag-iingat sakaling magkaroon ng pagtagas ng langis mula sa barko.

Ayon sa PCG, wala namang nakitang oil sheen sa nakapaligid na karagatan sa isinagawang assessment.

Patuloy ang koordinasyon ng mga awtoridad sa retrieval, documentation at identification ng mga narekober na labi habang inaasikaso rin ang mga pamilya ng mga pasaherong naapektuhan ng insidente.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang PCG sa mga pamilya at tiniyak na isinasagawa ang recovery operation nang maayos at may paggalang sa mga nasawi. (Photos courtesy: PCG)

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *