October 2, 2026
FB_IMG_1789701183662

Ni Albert Villamor Jr.

Nanumpa na sa kanyang bagong katungkulan si dating senador Manny “Pacman” Pacquiao bilang bagong lead convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) nitong nakalipas na Setyembre 8.

Bilang bagong lead-convenor, pangungunahan ni Pacquiao ang araw-araw na operasyon ng komisyon na nakatuon laban sa kahirapan ng mga Pilipino at nakatuon sa pagkakaroon ng social reform, katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor.

Ayon kay Pacquiao, lagi niyang kasama ang mga mahihirap na Pilipino.

“I came from poverty … That is why my heart is truly with the poor,” sabi niya.

Pinalitan ni Pacquiao si Lope Santos III.

May timawala raw kay Pacquiao si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siyang nag-officiate sa kanyang panunumpa sa bagong katungkulan.

“Pinahayag ng Pangulo ang kanyang tiwala sa pamumuno ni Sec. Pacquiao sa pagpapaigting ng mga pagsisikap ng pamahalaan laban sa kahirapan, pagsusulong ng repormang panlipunan, at paglalapit ng mga programa at serbisyo sa mga komunidad sa buong bansa,” ayon sa pahayag ng Malacañang.

Pangungunahan ni Pacquiao ang commission secretariat at may ranggo siya ng isang cabinet secretary.

Ang indibidwal sa posisyon katulad ng kay Pacquiao ay may suweldong ₱300,961 bawat buwan.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *