Magigiting na estudyante ng Tagusao
Ni Albert Villamor Jr.
May pinakitang pagmamalasakit, lakas ng loob, at walang pag-iimbot na paglilingkod ang mga mag-aaral ng Tagusao National High School (TNHS) sa Quezon, Palawan.
Noong Hulyo 28, may tumaob na sasakyan sa Sitio Ladayon, Barangay Sowangan, Quezon, Palawan, na tinulungan ng mga naturang mag-aaral kahit pa tumitirik ang init ng araw.
Dapat daw itong pamarisan, ayon kay Board Member Ariston Arzaga.
“Amid growing concerns over incidents of violence affecting the nation’s youth, acts of compassion, courage, at selfless service demonstrated by young people serve as powerful reminders that the Filipino values of malasakit, bayanihan, and pakikipagkapwa-tao remain alive and continue to inspire hope for a more humane and caring society,” ayon kay Arzaga.
Kaysa raw tingnan na lang ang aksidente, tumulong ang mga estudyante ng TNHS.
“The commendable actions of the students bring honor and distinction to Tagusao National High School, Municipality of Quezon, Province of Palawan, while inspiring fellow learners and communities to uphold the enduring Filipino values of compassion, volunteerism, civil responsibility, and service to humanity,” ayon kay Arzaga.
May isang resolusyon na rin na inapruba ang Sangguniang Panlalawigan ng Palawan na pangunahing inakdaan ni Board Member Arzaga na nagpapahayag ng kanilang pagpuri sa mga naturang mag-aaral ng TNHS para sa kanilang pagmamalasakit, lakas ng loob, bayanihan, at pagiging responsableng mamamayan sa kanilang ginawang pagtulong.
See less