September 14, 2026
FB_IMG_1789349260130

Photo courtesy: ACTF

Ni Rodolfo Idusora

Impounded ang tatlong motorsiklo mula sa pagkakarera sa National Highway ng Barangay Tagburos bandang hatinggabi nitong Lunes, Setyembre 14.

Nakasalubong ng roving patrol ng Puerto Princesa Anti-Crime Task Force ang grupo ng mga nakamotorsiklo na umano’y nagkakarerahan sa lugar.

Binalikan ng roving patrol ang mga kalalakihan ngunit pumasok ang grupo sa direksyon ng Barangay Hall kaya hindi na agad naabutan. Sa tulong ng mga residente, natunton ang tatlong motorsiklo na nakaparada sa isang bahagi ng kalsada.

Napansin ng tropa na mainit pa ang mga makina ng mga ito. Sa pag-iinspeksyon, napansin ang dugo sa isang Honda Beat 110.

Ayon kay Mark, nagkaroon siya ng sugat matapos umano niyang mabangga ang isang aso. Kalaunan, inamin ni Mark na kanya ang isang Honda Beat 110 na may plakang 928VKO. Dalawa pang motorsiklo ang umano’y pagmamay-ari ng kanyang mga kasama. Hindi naman natagpuan ng tropa ang dalawang iba pang rider na kinilalang alyas Maxell at Gelo Bautista, kapuwa residente ng Barangay San Jose.

Humingi ng assistance ang team sa 911 at agad namang dumating ang mga barangay tanod ng Tagburos. Dinala sa Barangay Hall ang tatlong motorsiklo at hiningi ang kaukulang dokumento, ngunit walang naipakitang papeles si Mark.

Kabilang sa mga naitala umanong paglabag ang walang lisensya, careless driving, reckless driving at disobedience. Para naman sa Raider 150, kasama rin ang mga paglabag sa muffler, kawalan ng plaka at side mirror.

Tatlong motorsiklo ang tuluyang dinala at na-impound sa CTMO Impounding Area sa Gate 2, Peneyra Road, Barangay San Pedro.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *