Hardin sa eskwelahan at komunidad, kailangan sa food security
Photo Courtesy: GOOGLE
Ni Albert Villamor Jr.
Para malabanan ang gutom at makamit ang seguridad ng pagkain sa Pilipinas, sinusuportahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ang Senate Bill No. 2380 na isinumite ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan para magkaroon ng permamenteng hardin sa mga komunidad at eskwelahan sa Pilipinas.
Sa isang resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan na pinangunahan ni Board Member Ariston Arzaga at Board Member Rafael Ortega Jr., nagpahayag sila ng suporta sa Senate Bill No. 2380 o ang panukalang “Gulayan sa Barangay at Paaralan Act”.
Ang mga school gardens ay tuturuan ang mga mag-aaral ng kahalagan ng paggawa ng pagkain, samantalang ang community garden naman ay maghahanap ng espayo sa komunidad para pagtamnan ng mga produktong pang-angrikultura.
“Community and school gardens provide a practical means of increasing acess to fresh, nutritious, and locally produced food while helping families supplement their food requirements, particularly during periods of rising food prices, supply disruptions, disasters, and other emergencies,” ayon sa Provincial Board.
Ang magiging suporta raw ng gobyerno sa mga naturang hardin ay patuloy na magiging bahagi ng kabuuang bahagi ng pagkakaon ng seguridad ng pagkain at nutrisyon, na hindi lamang panandalian ang epekto o “temporary or project-based undertakings”.
Makatutulong din ang mga hardin sa mga malalayong lugar sa Palawan, dahil ito ay parte ng local food production, lalo na sa mga panahong naaapektuhan sila ng presyo ng transportasyon, sama ng panahon, at pagka-antala ng tuloy-tuloy na supply chains o tuloy-tuloy na proseso ng pagtatanim, pag-aani, at pagkunsumo.