Kapitolyo: walang kumpirmadong sakit ng ASF sa Agutaya
Ni Albert Villamor Jr.
Walang kumpirmadong American Swine Fever (ASF) sa nabanggit na bayan, ayon sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.
Ayon sa pamahalaang lokal, iniimbestigahan pa ang mga ulat nang diumano’y agarang pagkamatay ng mga baboy sa Agutaya.
“The reported mortalities are being treated as a suspected animal disease incident and are undergoing veterinary investigation,” ayon sa PGP.
Kung mayroong man maitalang kaso ng ASF pagkatapos ng pagsusuri sa laboratoryo, ipagbibigay-alam ito ng PGP sa publiko.
“The Provincial Government will provide further information when laboratory results or other material developments are available. We ask the public to rely on verified information from the Provincial Veterinary Office and official Provincial Government channels,” ayon pa rin sa PGP.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ang Provincial Veterinary Office katuwang ang Provincial Agriculturist at Municipal Government ng Agutaya ng mga: surveillance, imbestigasyon, containment, tracing, biosecurity, sampling measures, kasama ang pagkontrol sa paggalaw ng mga baboy, habang tinutukoy ang sanhi ng pagkamatay ng mga swine o baboy.
Ilan sa mga senyales ng ASF sa baboy ay pagkakaroon ng mataas na lagnat, pagkawala ng ganang kumain, at pagkahina.
Pinapayuhan din ng PGP ang mga magbababoy na makipagtulungan sa veterinary at agricultural personnel ng gobyerno na: iulat ang biglaang pagkamatay ng alagang baboy sa Municipal Agriculturist o veterinary authorities, huwag ilipat, magbenta, o magkatay ng baboy na pinaghihinalaang may ASF, at huwag takpan ang tunay na kalagayan ng mga alagang baboy.
“Our immediate priority is to determine the cause, contain any possible animal disease, and protect Palawan’s hog raisers and swine industry,” ayon sa PGP.