September 16, 2026
FB_IMG_1789446581381

Photo Courtesy: PIO Palawan

Ni Albert Villamor Jr.

Nagtungo si Gobernadora Amy Roa Alvarez kasama ang iba pang opisyales at manggagawa ng Pamahalaang Panlalawigan para magpaabot ng tulong at malaman ang kalagayan ng mga biktima ng nasunog na barkong M/V June Aster sa Coron, Palawan, Setyembre 12.

Kasama ng gobernadora sina Board Member Anton Alvarez, Executive Assistant Carlo A. Buitizon, social workers ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Labindalawang mga nakaligtas sa trahedya ang una nang nakatanggap na ng tag-₱10,000 financial assistance mula sa Provincial Government; may ₱3,000 ding natanggap ang pamilya ng isang indibidwal pang nawawala na lulan ng naturang barko.

Mayroon ding Psychological First Aid (PFA) sa mga biktima ng trahedya sa pamamagitan ng mga social workers mula sa PSWDO, DSWD, at lokal na pamahalaan.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *