September 21, 2026
FB_IMG_1789960158555

Photo courtesy: Repetek

Ni Albert Villamor Jr.

Noong Setyembre 18, opisyal nang pinasinayaan ang Puerto Princesa City Chemotherapy Center.

Matatagpuan ito sa National Highway, Barangay Tagburos, nabanggit na lungsod.

Ang Puerto Princesa City Chemotherapy Center ay opisyal na ipinakilala sa publiko ng WeHope Medical Group.

Nasa pagpapasinaya rin si Gob. Amy Alvarez, kasama sina Board Member Rafael Ortega Jr., HDMP Program Manager May Lacao, at mga kawani ng Kapitolyo.

Pinangunahan din ang pagpapasinaya nina City Health Officers Dr. Ricardo Panganiban and Dr. Dean Palanca; at Alfred Dela Cruz, WeHope Medical Group Area Operations Director, at Dr. John Paul Aclan, CEO at President kasama ang buong grupo nito.

Pero nang pinasinayaan ang pasilidad, inaantay pa rin ang pinal na Department of Health (DOH) License to Operate and PhilHealth accreditation, at ang LGU Memorandum of Agreement (MOA) para sa subsidized/libreng gamutan para sa kwalipikadong mga pasyente.

Sa pamamagitan ng pasilidad, makapagbibigay na ng mga serbisyo sa Chemotherapy administration at oncology support sa mga Palawenong may iniindang cancer.

Mayroon ding kumpletong mga kagamitang pang-chemo ang pasilidad.

Ang Puerto Princesa City Chemotherapy Center ay subsidiary o sa ilalim ng WeHope Medical Group.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *