September 21, 2026

Distemper virus, nakamamatay sa mga alagang aso at iba pang canine

0
FB_IMG_1789959601181

Photo Courtesy: Repetek

Ni Albert Villamor Jr.

Wala nang sasakit pa kapag namatay ang alaga mong aso dahil sa isang sakit, lalo na kung bata pa siya. Si Choki, isang aso, ay pumanaw matapos ang pakikipaglaban sa sakit na dulot ng ‘distemper virus’. Naging matapang siya sa pakikipaglaban, pero hindi niya kinaya ang pinsala sa kanyang katawan ng naturang virus.

Ang Distemper virus ay nakamamatay. Nakukuha ito ng mga aso kapag na-expose sila sa virus. Kaya kung may alaga kang aso, mas maganda kung pababakunahan na sila laban sa virus habang bata pa ito o puppy.

Halos lampas isang buwan ding nakipaglaban si Choki laban sa virus, pero hindi niya talaga kinaya ang lakas ng virus. Wala nang naggawa ang kanyang mga amo, kundi umiyak na lang sa pagpanaw niya kahit pa pinainom siya ng gamot para gumaling.

Ang Distemper virus ay nagdudulot ng malubha at nakakahawang sakit. Inaatake nito ang respiratory, gastrointestinal, and nervous systems ng mga aso, kasama na ang ibang hayop o ang mga nasa klasipikasyon ng canine. Ang posibilidad ng pagkamatay ay 50% sa mga matatandang aso, samantalang 80% sa mga puppies.

Nakukuha ang distemper virus sa pag-ubo, pag-atsing, at pagtahol ng mga aso na mayroon nito na naipapasa sa kapwa nila; pagkain, lalagyan ng pagkain, higaan, at kagamitan. Naipapasa rin ito ng mga inang aso sa kanilang mga anak, kung mayroon siya nito habang nagbubuntis.

Ang mga senyales ng sakit ay lagnat; pagkahina; pagkawalang ganang kumain; mala-matubig na mata at nasal discharge na parang pus; pag-ubo; pagsusuka; malalang pagdudumi na nagdudulot ng dehydration; panginginig; hindi kontroladong paggalaw; paggiging matigas ng ilong at paw pads.

Wala itong gamot.

Pero kapag may distemper virus ang iyong alagang aso, mayroon pa ring suporta na p’wedeng gawin para siya ay gumaling kung kakayanin niya: Intravenous (IV) fluids (katulad ng dextrose) para sa dehydration o pagkakulang ng tubig sa katawan, anti-nausea/anti-seizure meds, antibiotics, at suportang pang-nutrisyon.

Uulitin ko, kailangan pabakunahan ang inyong mga alagang aso laban dito. Mataas ang kaso ng distemper virus sa Pilipinas kapag tag-ulan.

Kahit pa maka-recover ang inyong alagang aso sa distemper virus, may permanente na silang pinsala sa kanilang katawan: kalusugan at nervous system o pag-iisip.

Ang unang naitalagang kaso na may klasipikasyon na distemper virus ay nangyari sa South America (Quito region) noong 1746-1748 ni Antonio de Ulloa, isang siyentipiko.

Protektahan mo ang iyong alaga na pwedeng maapektuhan ng distemper virus, dahil napakasakit at nakapanlulumo silang makitang lumaban at kunin ng virus na ito. Walang halaga ang sakit na idudulot kapag sila ay pumanaw dahil sa virus.

Salamat sa City Veterinary Office – Puerto Princesa sa pagtulong na isalba si Choki.

Run free, Choki! Hanggang sa muli; hindi ka makakalimutan at lagi’t lagi kang may puwang sa mga puso at isip ng mga naiwan mo.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *