September 27, 2026
FB_IMG_1790500155289

Photo Courtesy: DENR MIMAROPA

Ni Samuel Macmac

Ligtas na nasagip ang isang long-tailed macaque sa Sitio Mayruba, Bgy. Poblacion, Taytay, Palawan matapos iulat ng mga residente sa DENR-CENRO.

Sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources-Community Environment and Natural Resources Office (DENR-CENRO) Taytay, nasagip ang long-tailed macaque o Macaca fascicularis sa naturang barangay.

Isinagawa ang operasyon nang makatanggap ng ulat mula sa mga residente. Agad na rumesponde ang mga tauhan ng DENR-CENRO at maingat na kinuha ang nasabing hayop upang hindi ito masaktan.
Pagkaraan ng retrieval, ang unggoy ay itinurn-over sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) para sa wastong pagsusuri, pangangalaga, at disposisyon alinsunod sa umiiral na wildlife protection protocols.

Binigyang-diin ng naturang ahensya na mahalagang iwasan ng publiko ang direktang pakikialam sa mga ligaw na hayop. Hinihikayat din ang mga residente na iulat sa mga kinauukulan ang anumang wildlife encounter upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga buhay-ilang.

Samantala, kasalukuyang nakalista ang long-tailed macaque sa International Union for Conservation of Nature (IUCN) Red List bilang Vulnrable species, dahil sa patuloy na pagbaba ng populasyon dulot ng panghuhuli, pagkawala ng tirahan, at negatibong interaksyon sa tao.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *