Mary Jane Veloso, malaya na
Photo courtesy: Google
Ni Albert Villamor Jr., LPT
Naaalala mo pa ba si Mary Jane Veloso?
Noong Set. 24, binigyan si Mary Jane Veloso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pardon para sa drug-trafficking na nagpapawalang-sala sa kanya, matapos ang labing-anim na taong pakikipaglaban para sa kanyang kalayaan.
Ang pardon ay: nagpapatawad ng parusa; binabalik ang civil at political rights ng isang indibidwal; pero hindi nito binubura ang rekord ng pagkakasala.
Noong 2010, inaresto si Veloso sa Jakarta, Indonesia, matapos mahuli ng mga awtoridad mula sa kanyang maleta ang 2.6 na kilo ng heroine o isang uri ng droga, sa Adisucipto International Airport.
Sinentensiyahan siya ng kamatayan ng gobyerno ng Indonesia noong 2010; siya ay nasa “death row” na, pero noong 2015 hiniling ng Pilipinas na huwag ituloy ang pagpatay sa kanya para sa kanyang kasalanan sa ilalim ng gobyerno ng Indonesia.
Noong 2024, ibinalik si Veloso sa Pilipinas matapos ang negosasyon ng Pilipinas at Indonesia, para maging testigo siya laban sa mga nanluko sa kanya na kanyang mga kapitbahay.
Si Veloso ay isang Overseas Filipino Worker.
Ayon sa Rappler, noong April 18, inalok si Veloso ng trabaho bilang domestic helper sa Kuala Lumpur ni Maria Cristina Sergio. Si Sergio ay kapitbahay ni Veloso sa Talavera, Nueva Ecija.
Noong nasa Malaysia na si Sergio at Veloso, hindi na pala available ang naturang trabaho, kaya nanatili sila sa Malaysia ng tatlong araw kung saan binigyan ni Sergio at ng kanyang nobyo si Veloso ng isang bagong maleta at $500 na pera. Umalis si Veloso dala ang maleta at pera papuntang Indonesia kung saan siya hinuli dahil sa laman ng maleta.
Ang maleta ay nakitaan ng 2.6 na kilo ng heroine ng awtoridad ng Indonesia. Inaresto si Veloso at dumaan sa trial sa hukom ng korte ng Indonesia.
Noong Octobre 11, 2010, sinentensiyahan siya ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad.
Pagkatapos ng desisyon ng hukom ng Indonesia, malawak ang panawagan ng buong mundo para siya ay palayain lalo na ng Pilipinas.
Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Benigno Aquino III, umapela si PNoy para sa clemency para kay Veloso sa mga dating president ng Indonesia sina Susilo Bambang Yudhoyono at Joko “Jokowi” Widodo; hindi ito matagumpay.
Pero noong Nob. 20, pinayagan at pinauwi si Veloso pabalik sa Pilipinas ni Prabowo Subianto na pangulo ng Indonesia. Pero nakapiit pa rin si Veloso sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong, hanggang binigyan siya ng pardon ni Pangulong Marcos na sumailalim sa pag-aaral.
Hamambuhay naman na makukulong si Sergio.