September 27, 2026
FB_IMG_1790499770631

Ni Rodolfo Idusora

Tuloy na ang nakatakdang pamamahagi ng ₱3,000 Student Assistance Program o SAP sa mga mag-aaral ng mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Puerto
Princesa.

Matapos ipagpaliban ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, maaari nang ipagpatuloy ang proseso ng pamamahagi ng cash assistance sa mga benepisyaryo.

Naantala ang pamamahagi ng SAP dahil sa election ban na ipinatupad kaugnay ng nakatakdang halalan. Dahil dito, hinintay muna ang desisyon sa pagpapaliban ng BSKE bago muling ituloy ang proseso.

Sa pagpupulong ng Committee on Education ng Sangguniang Panlungsod, iginiit ni Konsehal Victor Oliveros na dapat nang ipagpatuloy ang pamamahagi ng ₱3,000 assistance sa mga kwalipikadong mag-aaral.

Ayon sa konsehal, mahalagang maibigay na sa mga benepisyaryo ang tulong, lalo na sa mga pamilyang umaasa sa ayuda para sa mga pangangailangan sa pag-aaral.

Samantala, patuloy naman ang City Accounting Office sa pagbeberipika ng mga dokumentong isinumite para sa Student Assistance Program.
Kailangang masuri at makumpirma ang mga dokumento bago maisagawa ang pamamahagi sa mga benepisyaryo.

Ang SAP ay nakalaan para sa mga kwalipikadong mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Puerto Princesa. Kabilang sa proseso ang pagsusuri ng mga dokumento at pagpapatunay sa mga benepisyaryo bago ang aktuwal na pamamahagi.
Inaasahang magpapatuloy ang proseso sa sandaling makumpleto ang beripikasyon ng mga dokumento ng City Accounting Office.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *