October 1, 2026
FB_IMG_1790770235729

Ni Samuel Macmac

Naglatag ng P147-milyong ayuda ang Kagawaran ng Agrikultura sa Rehiyon 4B upang mapagaan ang pinsalang maaaring idulot ng El Niño sa susunod na taon.

Inanunsyo ng ahensiya ang halaga ng nasabing assistance package para sa mga magsasaka sa rehiyon bilang paghahanda sa inaaasahang El Niño sa taong 2027. Ang plano ay inilatag sa 3rd Quarter Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) meeting, kamakailan.

Fuel Assistance to Farmers ang isa sa pangunahing programa, kung saan magkakaloob ng P5,000 halaga ng fuel aid sa mga kwalipikadong magsasaka na nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA). Sa Palawana, mahigit 2,100 magsasaka ang makikinabang sa nasabing programa.

Dagdag na suporta ang water management strategic, drought-tolerant crop varieties, at farm inputs para sa mga apektadong lugar. Isasagawa rin ang field validation at monitoring upang matiyak na naaabot ang mga benepisyaryo.

Batay sa tala, naapektuhan ng nakaraang El Nino ang mahigit 35,000 ektarya ng sakahan, kung saan nagdulot ng higit P3 bilyong pinsala mula Hunyo 2023 hanggang Marso 2024. Layunin ng naturang ahensya na maagap na matugunan pangangailangan ng mga magsasaka upang mapanatili ang kanilang kabuhayan at sefuridad sa pagkain ng rehiyon.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *