Kakulangan ng paaralan sa Palawan, ‘di nakaaapekto sa pag-aaral ng mga Palaweño
Ni Albert Villamor Jr.
Kinumpirma ni Maylyn G. Dilig, Officer-in-charge- School Governance and Operations Division (SGOD) Chief ng Department of Education (DepEd)-Palawan, na may kakulangan ng mga paaralan sa lalawigan subalit hindi ito hadlang sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
“Sa ngayon naman po talaga, ang reality kulang po pa rin naman po talaga ang mga classrooms, pero ang kakulangan natin sa mga classrooms ay hindi nagpapa-stop iyon sa patuloy na pag-aaral ng ating mga learners,” ayon kay Dilig.
“Sa ngayon po, marami pa rin pong kulang na mga classroom. Ang sinisigurado lang natin is pagdating sa pag-aaral ng mga bata, tuluy-tuloy naman siya; hindi naman siya nagiging dahilan para ma-disrupt iyong learning ng ating mga bata sa paaralan,” dagdag pa niya.
Ang Learning Continuity Spaces, tulong mula sa pribadong sektor at Local Government Units, ang mga tumutulong sa pag-aaral ng mga estudyante kahit pa may kakulangan sa mga silid-aralan ang Palawan.
“Mayroon tayong mga ini-employ na mga iyong LCS, learning continuity spaces, iyong mga initial permanent na DepEd building pero iyon ay temporary para ma-cater iyong ating mga learners. May ibang mga ibang schools na nagse-seek sila ng mga partners like iyong mga private organizations, from the LGU [Local Government Unit], may mga support po ang LGU para mapunuan po iyon,” sambit ni Dilig.