October 4, 2026
FB_IMG_1791112609458

Photo Courtesy: PalPPO

Ni Samuel Macmac

Nakabalot sa tela at nakalagay sa plastik na garapon ang MK2 fragment hand grenade na natagpuan sa Brgy. Poblacion, Narra, Palawan nitong Oktubre 1.

Naiulat sa Municipal Police Station (MPS) ang naturang insidente bandang alas-10:00 ng umaga nitong Huwebes. Nagdulot ng pangamba sa mga residente ng nasabing barangay ang nadiskubreng granada na nakabalot sa puting tela at nakalagay sa plastik matapos matagpuan bandang alas-3:00 ng hapon nitong Setyembre 30, 2026.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naglilinis sa labas ng lumang bahay ang isang lalaki na kinilala sa alyas na Caloy. Sa kanyang paglilinis, napansin niya ang garapon na may nakabalot na bagay at nang suriin ay natuklasan na ito ay isang granada.

Mabilis na rumesponde at isinara ang paligid upang maiwasan ang paglapit ng mga tao at masiguro ang kaligtasan ng komunidad. Kasunod nito, nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng Narra MPS sa Police Explosive and Canine (PECU-PalPPO) upang tiyakin ang tamang paghawak at diposisyon ng nasabing pampasabog.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *