October 3, 2026

Libreng school kits sa 2 elementary schools sa Balabac

0
1790992382803

Photo Courtesy: DepEd Palawan

Ni Albert Villamor Jr.

Kabuuang 118 na mga mag-aaral ng Tabodniayo Elementary School, at 201 na mag-aaral ng Marabon Elementary School, sa Balabac, Palawan, ang nakatanggap ng mga libreng kagamitan sa paaralan o school kits.

Ayon sa DepEd-Palawan noong Setyembre 22, ang pamamahagi ng mga naturang school kits ay nagmula sa Rebisco upang “maipakita ang malasakit at patuloy na suporta sa edukasyon”.

“Higit pa sa mga school supplies, ang bawat kit ay nagsisilbing paalala sa ating mga mag-aaral na may mga katuwang silang naniniwala sa kanilang pangarap at kinabukasan,” ayon din sa DepEd Palawan.

Nagpapasalamat din ang DepEd-Palawan sa ambag ng Rebisco sa edukasyon.

“Ang ganitong mga partnership ay patunay na kapag nagkaisa ang paaralan, pribadong sektor, at komunidad, mas nagiging posible ang pagbibigay ng mas maayos na learning experience at mas magandang pagkakataon para sa bawat bata,” ayon sa DepEd-Palawan.

Ang distribusyon ay pinangunahan nina DepEd-Palawan Schools Division Superintendent (SDS) Loida P. Adornado, ASDS Rafael G. Manalo, kasama sina DepEd MIMAROPA Regional Office ESSD Chief Esmeraldo Lalo, at Liza Marie Dillena.

Naging katulong din sa pamamahagi sina SGOD EPS Allyn G. Gonda; Legal Officer Atty. Che Ann Mae Flores-Gumayan; CID Chief Pedro Dandal Jr.; SEPS Grace Estefano; at Project Engineer Christian Lareza, kasama ang Balabac Public Schools District Supervisor na si Romie Fresnillo at Coordinating Principal na si Saturnino Cancino.

“Sama-sama nating ihanda ang bawat batang Palaweño para sa mas maliwanag na bukas,” ayon sa DepEd-Palawan.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *