October 4, 2026

Tamaraw, nasa panganib bunsod ng deforestation, land conversion

0
FB_IMG_1791112142214

Photo Courtesy: D’ Aboville Foundation

Ni Samuel Macmac

Pinangangambahan ng Mindoro Biodiversity Conservation Foundation Inc. (MBCI) na malagay sa kritikal na kalagayan ang Tamaraw dahil sa patuloy na pag-convert ng mga natural na tirahan tungo sa agrikultura, residensyal, negosyo at imprastruktura.

Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng Tamaraw sa Mount Iglit-Baco Natural Park ng 425 ngayong 2026 kumpara sa 380 noong 2025, nananatiling mabigat na hamon ang pagkasira ng kagubatan at ang patuloy na pagliit ng kanilang tirahan.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), nananatiling pangunahing banta sa mga Tamaraw ang agricultural expansion, habitat fragmentation at forest degradation.

Binigyang-diin ni MBCI Executive Director Kathy Lene S. Cielo, limitado ang kakayahan ng Tamaraw sa reproduksiyon kaya’t maselan ang mga ito sa anumang pagbabago sa kapaligiran.

Maliban sa pagkawala ng tirahan, binanggit din niya ang panganib mula sa mga baka at kalabaw na maaaring magdala ng sakit gaya ng rinderpest, na minsang nagdulot ng matinding pagbaba ng populasyon ng Tamaraw.

Samantala, itinuturing na critically endangered o nanganganib na mawala ang mga Tamaraw, ayon sa Internation Union for Conservtaion of Nature (IUCN).

Patuloy naman ang MBCFI sa pakikipagtulungan sa mga komunidad, katutubo at forest rangers sa pamamagitan ng patrol at capacity-building upang palakasin ang konserbasyon ng mga Tamaraw.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *