October 15, 2026
FB_IMG_1791898266505

Photo Courtesy: Mayor Bayron FB Page

Ni Clea Faye G. Cahayag

Nakipagpulong si Punong Lungsod Lucilo Bayron kasama ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa mga kinatawan ng University of the Philippines Resilience Institute (UPRI) upang talakayin ang posibleng solusyon sa nakaambang kakulangan ng suplay ng tubig sa Puerto Princesa dahil sa banta ng Super El Niño.

Ayon kay Earl Timbancaya, hepe ng CDRRMO, isa sa mga napag-usapan ang paglahok ng mga academic institutions sa pagsasagawa ng mga pananaliksik upang matukoy ang iba pang posibleng mapagkukunan ng tubig sa lungsod.

“The Mayor is initially mayroon nang naumpisahang usapan; na-identify ni Mayor ‘yung problema natin especially sa sources ng tubig. So may initial talks with the academic sectors especially with the UP Resilience Institute on tapping to utilize and mobilize ‘yung ating academic sector to conduct researches on identifying alternative or additional ground sources.

‘Yun po ang solutions na nakita ng ating Mayor that would greatly help ‘yung situation natin,” pahayag ni Timbancaya.

Nito lamang ika-29 ng Setyembre, nag-courtesy call kay Mayor Bayron ang delegasyon ng UPRI kabilang sina Chief Researcher Dr. Emmanuel Luna, Senior Project Officer, Geologist Dainty Clarice Rabang, at Senior Science Research Specialist, Geologist Lea Victoria Serrano.

Layunin nitong palakasin ang disaster risk reduction and management (DRRM) collaboration sa lungsod ng Puerto Princesa.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *