Kontrabando, nasabat
Photo Courtesy : PALPPO
Ni Samuel Macmac
Mahigit P467,000 ng kontrabando ang matagumpay na nasamsam. Nasa 70 katao rin ang nasakote sa sunud-sunod na operasyon ng Palawan Provincial Police Office (PalPPO).
Mula Oktubre 5 hanggang ika-11 ng buwan, daan-daanlibong halaga ng kontrabando ang nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon kontra droga, illegal fishing, smuggling, loose firearms, at manhunt sa loob ng isang linggo.
Sa illegal fishing, naaresto ang 53 katao at nakumpiska ang mga isda at gamit na nagkakahalaga ng P235,600.00. Sa kontra droga, dalawang (2) suspek ang nasakote at nakumpiska ang 9.83 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P66,844.00 ang halaga.
Nasamsam ang 547 reams ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P165,000.00 at natimbog ang isang suspek sa anti-smuggling operation.
Sa kulungan naman ang bagsak ng 17 wanted persons, kabilang ang walong (8) Most Wanted matapos ikasa ng mga awtoridad ang manhunt operations. Umabot sa pitong (7) baril ang isinailalim sa safekeeping, isa (1) ang baril na boluntaryong isinuko, habang isa (1) ang naaresto.
Samantala, tinulungan ng mga awtoridad na kusang kumalas ang isang indibidwal sa Communist Terrorist Gruop (CTG) matapos maimpluwensyahan.