October 28, 2026
FB_IMG_1792532722560

Hindi mo dapat ginagawang katatawanan, nilalait, pinapahiya, o inaabuso ang mga taong may kapansanan. Mananagot na ka sa batas.

Ang mga PWD o person with disabilities ay may proteksyon laban sa anumang uri ng pang-aabuso ng batas na Philippine Republic Act No. 9442 na nag-amyenda sa dating Republic Act No. 7277 (Magna Carta for Persons with Disability) sa Pilipinas.

Ang National Council on Disability Affairs (NCDA) and the Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay patuloy na gumagalaw para masiguradong hindi naaabuso ang mga PWD, pati sa social media, at handang panagutin ang sinumang magkakasala.

Isang krimen ang anumang public ridicule, mockery, o vilification sa mga taong PWDs. Kaya, pinoprotektahan ang mga taong may kapansanan o Persons with Disabilities (PWD) ng batas. Kung sino man ang mapapatunayan ng nagkasala, ay haharap sa isang kaso at mananagot sa batas.

Naging mainit na isyu ang kamakailang pagkutya o paggawang katatawanan ng podcast hosts ng “Machong Chismisan” kay Josh Aquino, anak nina Kris Aquino at Phillip Salvador, na may kapansanang autism.

Marami ang nagsalita pagkatapos pumutok ang pangyayari. May mga artista, politiko, at indibidwal na tao ang nagpahayag ng kanilang pananaw sa ginawang pahayag ng “Machong Chismisan”.

Sa Palawan, naging direkta si Board Member Ryan Maminta sa kanyang Facebook Page sa pagkondena sa aksyon ng mga host ng naturang podcast.

“Wag gano’n, mga boys! Itigil n’yo ‘yan mga ‘machong tsismoso’! Yung isa nagpahayag ng apology kasi may ADHD din daw siya. Aba, ginawa pang palusot din ang kapansanan niya at parang naging biktima pa. Wala ring kwenta ang pahingi ng pasensya. Amin at akuin n’yo na lang buong pagkakamali n’yo! Mali talaga ‘yun kahit kanino pang PWDs,” ani ni Maminta.

“Hindi dapat tularan ang mga ito at sila ay dapat parusahan sa paglabag sa Republic Act No. 7277 at Republic Act 9442 o ang Magna Carta for Persons with Disability,” ani rin ni Maminta.

Si Kris Aquino ay naglabas na rin ng pahayag, pero hindi ito direktang buwelta sa mga pahayag ng Machong Chismisan sa kanyang anak na si Josh.

Nagpahayag naman ng pagsisisi ang Machong Chismisan. Humihingi sila ng tawad para sa kanilang “pagkukulang at pagkakamali” sa kanilang “kilos at pananalita”.

Matapos ang backlash o pagkondena na natanggap ng mga hosts ng “Machong Chismisan”, pinutol na rin ng Podcast Network Asia ang kontrata nito sa kanila.

Sa ngayon, nagpadala na rin ng subpoena o patawag ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga hosts ng “Machong Chismisan” na sina Daniel Lawrence Vivar, Juan Paulo Mojica, Makoy Pare, RJ Carbonell, at Tito Patrioto na siyang nagsabi na “Si Josh, walang kuwenta eh” sa kanilang episode na “Ang Pagbabalik ni Kris Aquino” sa parehong podcast episode.

Dapat ay humarap ang mga hosts ng podcast sa Cybercrime Division ng NBI sa October 20. Ang mga hosts ay iniimbestigahan ngayon ng NBI para sa posibleng paglabag sa batas.

Ang unang paglabag sa karapatan ng mga PWDs na mapapatunayan ng hukom ay maaring magdulot ng multang ₱50,000 to ₱100,000 para sa unang paglabag at pagkakakulong ng mula sa anim hanggang dalawang taon. Mas mabigat pa rito kapag paulit-ulit mong ginagawa ang krimen.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *