October 28, 2026
FB_IMG_1793018945470

Photo Courtesy: Wanted sa Radyo

Ni Albert Villamor Jr., LPT

Esmeringhoy o Ismiringhoy. Ano ba talaga ang ibig-sabihin ng salitang iyan? Sigurado ka ba sa kahulugan niyan? Marami kasing nalilito, natatawa, napapasaliksik, at napapaisip. Pero ano ba talaga ito?

Pumutok ang naturang salita matapos ilabas ang episode noong Oktubre 16 ng “Raffy Tulfo in Action” sa Youtube sa “Wanted Sa Radyo”.

Ang esmiringhoy o ismiringhoy ay isang Bisaya/Cebuano na salita sa Pilipinas, pero nag-iiba ang kahulugan nito depende sa paggamit, kung pagbabatayan mo ang sasabihin sa iyo ng internet.

P’wede ang salitang mangahulugang sexual o pagtatalik, pangangaliwa o illicit affair. P’wede rin itong mangahulugang ‘nangingisi o nangungutya’ sa Bisaya. P’wede rin itong mangahulugang pagtambay nang walang layunin o adhikain, pagiging pasaway, o pagiging silly sa salitang English.

Pero sa komentaryo sa MindaNews na may pamagat na ‘The True Meaning of Ismiringhoy: Setting the Record Straight!’ na isinulat ni Charlito “Kaloy” Manlupig, nais niyang ipahayag ang tamang interpretasyon ng naturang salita batay sa kanyang karanasan.
Dapat daw maintindihan ng mga tao ang naturang salitang sa wastong konteksto.

Ayon sa kanya, ang tamang pagbaybay sa naturang salita ay ‘Ismiringhoy’; hindi ‘Esmiringhoy’.

“From what I have heard, understood, and known for as long as I can remember, ismiringhoy is not a title for the rich, a badge of honor for the powerful, or a crown for the social elite,” ayon din kay Manlupig.

Mahirap ang sitwasyon, minalas o may malas ang karanasan, minamata-mata dahil sa sitwasyon o kahirapan ng buhay, at p’wede rin mag-describe ng mga nakakatawang karanasan dahil sa panliliit sa iyo ng ibang tao dahil sa taglay mong yaman sa buhay.

“An ismiringhoy is an ordinary person who is already poor in the pocket and, sometimes, desperately short on luck. A person battered by life’s circumstances, squeezed by an unforgiving system, and too often judged by appearances rather than treated with dignity,” ayon din sa kanya.

Paano ba tinuturing ng lipunan ang mga taong mahirap, ang mga #ismiringhoy?
“But beneath the banter and self-deprecating humor lies a serious social commentary: How do we treat one another? And, more importantly, how do we treat those whom society considers poor, insignificant, or unworthy of respect?,” ani Manlupig.

“Because the real issue is not simply poverty. It is the humiliation that often comes with poverty. It is the prejudice that judges people by their clothes, their appearance, their social standing, or the apparent contents of their wallets. It is the quiet but unmistakable message that some people deserve better treatment than others simply because they have more money,” pahayag niya.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *