Kahandaan sa sakuna at emergency
Photo Courtesy: REPETEK
Ni Albert Villamor Jr.
PUERTO PRINCESA CITY — Tinuruan ng mga ahensiya ng gobyerno at isang organisasyon ang 267 na mga mag-aaral ng Holy Trinity University (HTU) sa paghahanda sa sakuna at pagresponde sa mga emergency, Oktubre 28.
Sa programang “NSTP-KKDAT DRRM Olympic 2026”, nagtulong-tulong ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Puerto Princesa City Bureau of Fire Protection (BFP), Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan para sa mga pagsasanay na isinagawa sa programa.
Ilan sa mga isinagawa ang rappelling; Basic Life Support (BLS) Orientation; Standard First Aid (SFA) Orientation; at Fire Safety.
Patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pangunguna ni Gov. Amy Roa Alvarez ang mga inisyatibong nagpapalakas sa kahandaan ng kabataan sa pagtugon sa mga sakuna at emergency sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga inisyatibong naglalayong paunlarin ang kanilang kaalaman at praktikal na kasanayan, ayon sa Provincial Information Office (PIO).
Ang tema ng programa ay “Empowering Youth for Disaster Preparedness, Emergency Response and Community Resilience”.